Heya Clubbers!

Let’s congratulate the Couple of the Month on this May, Rawrss and Rawrs! Check out their nakakakilig na love story below

 

How long have you been playing CAM as a couple?

A: 10 months and counting.

Tell us your LOVE Story

A: Grabe hinintay ko talaga itong araw na ito na ma flex kita kasi sabi ko balang araw makaka sali din tayo dito pag nag kita na tayo so eto na ngaaa!
Unexpexted lahat ng pang yayari kung pano kami nag kayayaan maging mag couple kasi mag tropa kami tipong sisilip lang ako sa cam para asarin siya kase hindi naman ako active dito nung umpisa and may friendly couple din siya that time at gladiol pa yun. Hanggang sa nag patch at nag lagay ng Couple mission pero wala pa din ako balak mag couple dahil gusto ko makita ung mga rewards at tropa naman kami nag pm ako sa knya na gusto ko ma try yung reward sa couple mission kahit sa dummy lang fast forward hnggang sa nagulat na lang kami na nag oonline na kami parehas ng almost 9hrs sa dummy at kasama ko na sya nag papataas ng title at level hanggang isang araw tinanong nya ako “wedding na kaya natin? sayang kasi same title at level kung pag hihiwalayin pa natin” edi ako na shock ako sa sinabi niya sakin kasi goal ko lang talaga makuha yung reward at iisplit din naman to kasi nasa mindset ko na may gladiol siya at friendly couple that time. Pumayag na ako ksi nag eenjoy na ako mag laro ng cam hindi naman din active friendly couple nya at araw araw na din kami mag kakwentuhan at mag kalaro sa cam ng almost 9hrs sa dummy nagulat na lang ako isang araw na halos buong araw nako on sa cam, hanggng sa sinasamahan ko na din sya tumambay sa cam kahit may gagawin pa ako at sobrang out of place na ako sa nakaka usap nya na tropa sa room pero tinitiis ko pa din tumambay sa room nya fast forward na nakakapag deep talk na kami about feelings namin at niloloko loko na ako ng mga kaibigan nya na “mahal mo na? dami nakaka usap niyan ni yves baka maunahan kapa” so ako etong di na nag pa bebe nung tinanong nya ako kung pede maging kami nung naka afk ako sa cam oo agad sagot ko kahit di ko pa sya totally mahal kase ayoko maagaw ng iba eh. 9 months bago kami nag kita bumyahe ako ng manila ng almost 4hrs unang kita ko sa knya naka ramdam agad ako ng hiya sa bus pa lang kaya ginawa ko dinadal ko sya ng dinadal kahit napaka tahimik ko tao wag lang nya maramdam yung pag ka awkward sakin. Ngayon natupad na pangarap ko magkaron ng mataas na ring at special ring sa boyfriend ko ang sarap sa feeling na parehas kayo ng hilig na laro panatag ka kase hindi na kayo mag friendly couple at hindi ma iisplit ring yung ring kung mag inactive man isa samin kase kampante na kami kaya namin ayusin agad kaya kung walang away walang pag mamahal.

Do you want to be featured next? fill up this form: Stardom Hall Registration